Posted on 2004

Sen. Manny B. Villar's 2004 Most Distinguished Alumnus Award Acceptance Speech

Maraming salamat po sa UPAA sa pagbibigay ninyo sa akin nitong award na ito. I'm sure na kami pong lahat na awardees ngayon ay napakaligaya, napakasaya. Marami sa amin ay di umaasa na makukuha nitong award na ito, kasama napo ako dun.

Subali't ngayong gabi hindi ko maiwasan na hindi lumingon sa nakaraan at maaalala noong ako ay bata. Ako po ay ipinanganak sa Tondo, squatter po kami doon at ako ay nagtitinda ng isda sa palengke. Hindi ko inisip na ako ay makakapag- aral sa Pamantasan ng Pilipinas. Ako ay napasok dito sa isang aksidente lamang, may nagsama sa akin na isang kaibigan at ako'y nakapasok.

Dito sa Pamantasan ng Pilipinas ako nagkaroon ng pagbabago ng pananaw sa mundo. Dito ko natutunan ang marubdob na pagmamahal sa Bayan, dito ko natutunan ang mangarap na maging lider, o number one, numero uno o manguna sa kanyang napiling bokasyon.

Dito ko nakita na ako pala ay pwede ding maging lider o pwede ding manguna. At ito ay isang bagay na aking ipinagpapasalamat sa UP.

Malaking bagay sana sa ating bansa kung higit na marami pang mga bata ang mabibigyan ng ganitong klaseng karanasan at pagbabago ng pananaw. Lalung-lalo na ngayon na lumalaki ang populasyon, naghihirap ang ating bayan at konti lamang ang laman ng kaban ng ating bayan.

Dahilan yan sa kakulangan ng pera at ang edukasyon na ipinamamana natin ay pababa ng pababa na din. Maging ang Pamantasan ng Pilipinas na ating minamahal ay nagkakaroon na rin ng suliranin ay nasa tinatawag na "crossroads" o sangang- daan na ano ba ang kanyang magiging papel ngayon at sa mga darating pang panahon.

Nakakalungkot syempre pag nakikita natin na yung mga eksaminasyon na ibinibigay ng ating pamahalaan na dating pasado lahat ang mga UP graduates ay meron ng mga hindi pumapasa.

Nakikita natin na bumaba na ang kalidad ng ating mga graduates. Ito ay hindi natin dapat hayaan. Sana tayong mga alumni ay magtulung- tulong para mapanatili natin ang tradisyon ng "Excellence" ng Pamantasan.

Malaking bagay ng kung ang halaga ng award na ito ngayon ay magiging kasing halaga pa rin sa mga darating na panahon. Kung papano natin binibigyan ng halaga ang mga award na ngayon ay ibinibigay natin, sana ganito din ang ibibigay na pagpapahalaga sa mga darating ng henerasyon ng mga UP alumni.

Muli, ako ay nagpapasalamat sa pagkilalang ibinigay ninyo sa akin. Ito po ay hindi ko makakalimutan at ito ay magsisilbing karangalan ng aking pamilya hindi lamang ngayon kundi sa mga darating na panahon.

Maraming salamat po.

News   |    The Man   |    Speeches   |    Legislative Record   |    Gallery   |    Contact Us
Manny Blog   |    Features   |    Invite Friends   |    Villar Facebook   |    Villar Friendster   |    Villar Multiply   |    Boy Tondo Facebook   |    Boy Tondo Friendster   |    Join Team Villar   |    Akala Mo